Betrayal
Naalala ko yung mga nakaraang araw na sobrang down ako. Kaya eto, may mapopost na naman akong non-sense dito sa blog-kuno ko.
Last month ata yun i think, feeling ko sobrang naloko ako. Alam mo yung nagtiwala ka sa isang tao,bagong kakilala mo, pinaniwalaan mo lahat ng sinabi nya to think na hindi naman kayo masyadong magkakilala, the fact na di pa kayo nagkikita. Yun bang binigay mo yung buong tiwala mo kasi akala mo isa syang totoong tao. Binigay mo yung tiwala mo kasi komportable ka sa kanya. Hindi mo inisip ni sa isang segundo man lang ng pag uusap nyo eh pwede palang hindi totoo pagkakakilala mo sa pagkatao nya. Sobrang naniwala ka sa lahat ng sinabi niya kahit wala ka namang proweba. Tha's exactly what i did noong makilala ko itong partikular na tao na ito. Hindi ako masyadong nagresearch ng tungkol sa kanya kasi nga tiwala ako. Kampante ako na sya yung kausap ko. Kampante ao na mapgkaktiwalaan siyang tao.
Nalungkot lang ako ay di nadisappoint pala ng isang araw bigalang nag-iba yung trato niya. Parang lumalayo ba, umiiwas. Syempre that time eh habol ako ng habol kasi tinuturing ko na siyang kaibigan. Kinulit ko siya. Hindi ko tinigilan. Hindi kasi ako masiyahan na bigla na lang siyang aalis. So ayon, nakulili ata sa akin. Umamin siya. Ang sabi niya hindi daw siya yung totoong pinakilala niya sa akin. Hindi sya yun. Hindi sya yung nakilala kong kaibigan. Nalungkot talaga ako. Nagalait ako. Feeling ko sobra yung panloloko sa akin. I just felt so betrayed then. Inisip kong sana hind na ako nakipaglapit sa kanya. Sana di na lumapit yung loob ko.
So umiwas ako. Kasi nararamdaman ko yung galit sa puso ko. Nararamdaman ko yung sakit na iniwan niya. Yung emptiness na gawa niya. Akala ko nga habang buhay na to. Pero dito ko napatunayan na mali pala pagkakakilala ko sa sarili ko. After two days siguro yun ng pag-iisip, bigla ko na lang naramdama na namimiss ko sya. Feeling ko gusto komng makausap siya. Pero everytime na makikita ko pangalan niya sa phonebook ko, bumabangon yung galit sa puso ko. Evertime na makikita ko pangalan nya sa facebook eh naiirita ako. Galit yung lumalabas sa akin. Hindi ko maintindihan. I just can't explain the feeling. Kinabukasan i tried to text her. Miss ko talga sya. Pinapakiramdam ko sarili ko. Kaya sabi ko kailangan kong subukan. May lakas ng loob ako. Now or never ang drama ko. I sent her a message. Sabi ko miss ko na sya. Wala akong ineexpect na reply nya. Hindi ako naghintay so ako pa nga yung nagulat ng magreply sya. Nabuhayan ako ulit. Nawala yung galit ko. Dun ko narealized na namiss ko talaga siya.
Tanggap ko na yung ginawa. Napatawad ko na siya. Ganun kadali. Pero magaan sa pakiramdam. We're friends ulit. And hopefully, forever na to. :)

Mga etiketa: friends after all

0 Mga Komento:
Mag-post ng isang Komento
Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]
<< Home