Martes, Abril 12, 2011

Textworld

Sinubukan kong sumali sa textworld. Walang dahilan. Well, mayroon pala. Dahil sa pagiging likas kong chismosa, na halos lahat ng may koneksyon sa paborito kong tao sa mundo eh gusto ko ring magkaroon ng koneksyon sa akin. Yep, you may think it's pathetic. But it's the sad truth. Ewan ko ba, kahit ako ay hindi masyadong malinawan sa aking ginagawa. Pero ginagawa ko pa din kasi eto lang nakakapagpasaya sa akin. So, i'm stalking my favorite writer ever. Well, atleast not the type stalkers usually do. Huge thanks to social networks.

As the title is saying, i joined text world. It's a group of fans having the same likes mostly in everything. Well, my first day was, uhm, it's okay i guess. I planned quitting right then pero nagbago isip ko. Bakit pa ko sumali kung aalis din pala ako agad, hindi ba? Parang dumaan lang ako. Ginulo ang nananahimik nilang mundo. So,  i decided to give some of my precious time. Kumusta naman ang naging journey ko sa pagdaan ng mga araw? Alam mo yung nagkakaroon ka ng mga kaibigan. Not the type of friends you have in real life but nevertheless friends. Habang dumadaan yung mga araw eh, nagkakroon na ko ng koneksyon sa kanila. Nagugustuhan ko na ang aking stay sa mundong gingalawan nila. Nawiwili na ako magbasa ng mga text nila. Natutuwa ako na may nagtetext sa akin na kuamin na ako, ingat ako etc.

I'm not expecting this really. I tried joining clans kasi dati. Noong mabata-bata pa ako. I never really liked clans. Well, must be the people there. Ewan, basta alam mo yung feeling na "Okay, hindi ako belong dito.". Hindi dahil mas mataas ako sa kanila, it's just that, hindi ko masundan ang trip nila. More on "landian" or "kariran". Ayoko ng ganung mundo. Parang masyadong immature. So after then, di na ako nag dare ulit na sumali sa clan. Ngayon lang ulit. Nakita ko kasi sa forum na may text world sila. So, i contact one of the members. Hindi ko naman inaasahan na magrereply sya. Nagdadalawang isip din kasi ako kung itutuloy ko to or what. Pero dahil nakareceived ako ng message sa isang sa mga members, i just go with the flow na.

Ang aking journey sa textworld na ito, ay masasbi ko namang masaya. Medyo may hassle kasi natutukso ako magpaload ng magpaload. Pero so far ay okay naman. Nakakatuwa naman yung mga tao dahil halos lahat sila ay may sense. Matatalino. I'm hopeful na hindi magbago ang pakikitungo nila sa akin kung saka sakali. Pakiramdam ko kasi ay ayoko ng umalis sa grupo. Sana mag tagal ako. Gusto ko kasi i-enjoy ang kabataan ko. :)


PS. Thank you hearsters for being a part of my boring life. You add colors to it. I love you girls!

Mga etiketa: , ,

0 Mga Komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home