Huwebes, Marso 3, 2011

SULAT PARA KAY INAY: 1


Dear Mama,
Alam ko na marami akong pagkukulang sa inyo. Maraming bagay na hind ko naiibigay sa iyo. Kahit ang simpleng kahilingan nyo ay di ko mapag bigyan minsan. Sa bawat utos mo, ay mayroon akong kaukulang reklamo. Sa bawat sermon mo ay nagdaramdam ako. Sa bawat pakiusap mo ay naiinis ako. Sa bawat salita mo ay nag dadabog ako. Alam kong marami akong pagkakamali na dapat itama. Sa sobrang dami nito ay siguro hindi sapat ang buong buhay kong pag sisisi. Simula ng ako'y iluwal mo, hanggang sa paglaki ko ay hindi ko alam kung may nagawa na ba akong tama sa iyo. Hindi ko alam kung matutuwa ka pa rin sa akin dahil sa katigasan ng ulo ko. 

Gusto kong bumawi sayo at sana maptawad mo ako sa kabulastugan ko. Mahal kita Mama. Hindi ko man maiparamdam sayo ito sa salita at kilos ko, pero sana ay matandaan mo na sa aking puso, ikaw ang "THE BEST" na nanay sa mundo.

0 Mga Komento:

Mag-post ng isang Komento

Mag-subscribe sa I-post ang Mga Komento [Atom]

<< Home